MANILA, Philippines - Tumataas ang kaso ng HIV-AIDS sa bansa partikular na ang pakikiÂpagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki.
Sa pag-aaral na ginawa ng Philippine National Aids Council (PNAC) at latest monitoring ng Department of Health (DOH), may isang Pilipino ang infected ng AIDS sa kada dalawang oras o may 8 kaso ng HIV sa loob ng 10 araw partikular sa mga kalalakihan na nakikipag-sex sa kapwa lalaki na karamihan ay may edad 15 hanggang 34 anyos.
Dahil dito kaya hiniling ng Trade Union ConÂgress of the Philippines (TUCP) sa mga city at municipal mayors kasama na ang mga local councils na bigyang prayoridad ang pagresolba sa problema.
Ang TUCP ay miembro ng PNAC at co-chair ng committee on planning, partnership and networÂking.