Nakinabang sa pork barrel scam pananagutin

MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III na pananagutin ang lahat ng sangkot at nakinabang sa pork barrel scam.

Ginawa ni Pangulong Aquino ang paniniguro sa kanyang mensahe sa paggunita sa National Heroes Days sa Libingan ng mga bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Magugunita na iniutos ni Pangulo noong Biyernes ang pagbuwag na sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel ng mga mambabatas.

Inatasan na nito ang DBM na makipag-ugnayan kina Speaker Sonny Belmonte at Senate President Franklin Drilon upang bumalangkas ng mekanismo na magsisiguro na hindi na maaaksaya ang pondo ng bayan.

 

Show comments