MANILA, Philippines - Aminado ang mga Presidential sisters na sina Ballsy Aquino-Cruz at Pinky Aquino-Abellada na may bagong ‘apple of the eye†si Pangulong Aquino na nagsisilbi nitong inspirasyon.
Tumanggi naman ang magkapatid na tukuyin kung sino ang bagong inspirasyon ni PNoy na inilarawan bilang 29-year old na abugada.
Ayon kay Ballsy, natutuwa siyang makita na insÂpirado ang kanyang nag-iisang kapatid na lalake na ngayon ay 53-anyos na.
“Masaya ako if there is someone who will inspire him, someone who is intelligent enough to discuss things with him. Siyempre yung hindi naman palaging Cabinet mo yung kausap mo,†wika pa ni Ballsy sa isang panayam sa telebisyon.
Ayaw din kumpirmahin ni Pinky na ang 29-anyos na abugada ang bagong inspirasyon ni Pangulong Aquino.
Huling naugnay ang Pangulo sa TV host na si Grace Lee at 2-taong relasyon kay dating Valenzuela City Coun. Shalani Soledad.