MANILA, Philippines - Isang bangkay ng Pinay ang natagpuang naÂkasilid sa isang maleta sa isang dumpsite sa Egypt sa kasagsagan ng manÂdatory evacuation ng pamahalaan para sa libu-libong Pinoy doon dahil sa matinding karahasan.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul HerÂÂnandez, nai-report sa EmÂÂbahada ng Pilipinas sa Cairo ang pagkakadiskubre sa naagnas ng katawan ng umano’y Pinay OFW sa loob ng isang maÂlaking maleta na itinaÂpon sa isang tambakan ng baÂsura sa Nasr City noong Agosto 17.
Sinabi ni Hernandez na hindi na makilala ang Pinay dahil naagnas na ito nang matagpuan.
Nagsasagawa na umano ng imbestigasyon ang Egyptian Police upang ma tuÂkoy ang pagkakakilanlan ng biktima, ang sanhi ng pagkasawi nito at res ponsable sa krimen.
Samantala, mula sa may 6,000 Pinoy sa Egypt, dumating ang limang OFW na unang batch na inilikas mula sa mandatory repatriation program ng pamahalaan.