MANILA, Philippines - Ang Cavite at Laguna ang siyang matinÂding naapektuhan nang matinding pagtaas ng tubig dala ng habagat at bagyong si Maring.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) CALABARZON Director Vicente Tomazar, daang pamilya ang inilikas sa mga bayang apektado ng mga pagbaha habang marami ring mga kalsada ang hindi madaanan ng maliliit na behikulo.
Ayon kay Tomazar, partikular na apektado ng mga pagbaha sa Cavite ang mga bayan ng Tanza, Rosario, Imus, Bacoor, Noveleta at Carmona.
Kasabay nito, ayon kay Tomazar ay isinailalim na ni Cavite GoÂvernor Johnvic Remulla sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cavite matapos na 90% ng mga bayan dito ay lumubog sa tubig baha. Sa lalawigan ng Laguna ay inilagay rin sa state of calamity ang lungsod ng Sta. Rosa at Biñan gayundin ang San Pedro na apektado ng mga pagbaha.
Nabatid na ang naturang mga lugar sa lalawigan ng Laguna ay dumanas ng hanggang tuhod at hanggang dibdib na mga pagbaha kung saan marami sa mga residente ay na-trap sa kanilang mga taÂhanan.