MANILA, Philippines - Pinabubusisi ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang You Tube video na nagpapakita na nakaupo at naglalaro umano ng slot machine sa isang casino si LTO chief Virginia Torres.
Alinsunod sa batas, bawal sa sinumang opisÂyal ng gobyerno na pumasok, mag-istambay at maglaro sa casino.
Tiniyak ni DOTC Secretary Joseph Abaya na may kaparusahan sa sinumang lalabag sa batas.
Anya, masusing susuriin ang naturang viÂdeo at agad na isusumite sa Malakanyang ang natuÂrang report.
Kumalat sa You Tube video ang may 36-seÂcond clip na pinamagatang “LTO Chief Casino Queen†na nailathala nitong August 13.
Sa kanyang panig, inamin naman ni Torres na nakapasok siya sa casino kasama ang isang kaibigan pero tumangging naglaro siya doon.
Ikinatwiran ni Torres na napadaan lamang daw siya at naupo sa isang slot machine matapos maengganyo sa mga ilaw nito sa loob ng isang casino habang hinihintay nila ang bill sa kinainan nilang restaurant sa isang hotel kasama ang isang kaibigan.
Idinagdag pa ni Torres na matagal na raw nangyari ang nasabing insidente at hindi pa raw siya LTO chief.
Siniguro naman ng Malacañang na hindi bibigyan ng “VIP treatment†ni Pangulong AquiÂno ang kanyang ‘kabarilan’ na si Torres sa sandaÂling mapatunayang lumaÂbag ito sa Memorandum Circular No. 8 matapos makunan ito sa isang casino.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi exempted si Torres kahit na ito ay presidential appointee at sinasabing isa sa KKK ng Pangulo kung mapatunayan na lumaÂbag ito sa MC no. 8 na ipinalabas ng Malacañang noong 2001 na nagbabawal sa lahat ng opisyal o kawani ng pamahalaan na manatili o maglaro sa loob ng casino.
“All government personnel concerned are prohibited from entering, staying and/or playing at gambling casinos,†bahagi ng memorandum circular na mahigpit ding ipinatutupad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).