Dahil kay ‘Labuyo’ :Signal number 1, itinaas sa 5 lugar sa N. Luzon

MANILA, Philippines - Higit pang lumakas ang bagyong Labuyo habang  kumikilos patungong hilagang Luzon.

Alas-10:00 ng umaga kahapon, si Labuyo ay  namataan sa layong 570 silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang  lakas ng hanging umaabot sa 85 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 100 kilometro bawat oras.

Si Labuyo ay kumikilos pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 19 na kilometro bawat oras.

Bunga nito ay itinaas na sa signal number 1 sa limang lugar sa Norther Luzon na kinabibilangan ng Cagayan, Isabela, Aurora, Quirino at Catanduanes. Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa araw ng lunes.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na  pulu-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat. (Angie dela Cruz)

Show comments