MANILA, Philippines - Nagisa ng husto sa Senado ang isa sa mga opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasangkot sa “sex-for-flight†scheme sa Middle East.
Lumalabas na wala umanong ginawa si Labor attache to Saudi Arabia Adam Musa sa reklamo ng domestic helper na si Grace Victoria Sales alyas Josie na muntik ng ma-rape ng kanyang driver sa loob mismo ng Philippine Labor Overseas Office (POLO).
Wala ring ginawang aksiyon si Musa ng magkaroon ng aregluhan sa pagitan ni Josie at kanyang driver na kinilala lang sa alyas Jojo. Binayaran ng US$2,400 o nasa P110,000 ang biktima.
Tinanong ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile si Musa kung bakit wala siyang ginawa sa nangyaring aregluhan gayong ito mismo ang umamin na bahagi ng trabaho nito ang bigyan ng proteksiyon ang karapatan ng mga OFW.
Ikinatuwiran ni Musa na hindi niya makontak si “Josie†bagaman at hinanap niya ito matapos tumakas sa Bahay Kalinga dahil sa tangkang pangre-rape ng kanyang driver.
Sabi ni Josie, umalis siya sa kanyang employer noong Marso 2012 at tumuloy sa Bahay Kalinga kung saan niya nakilala si Jojo.
Nagtrabaho bilang janitress si Josie sa tanggapan ni Musa habang nakatira ito sa Bahay Kalinga.
“Papasok siya (Jojo) sa kwarto naming mga takas, hindi man lang kumakatok. Tapos tinataon pa niya na pag nagpapalit kami ng damit. Pumapasok po siya doon ng madaling araw at bigla kaming