Enrile expert sa ‘Bejeweled’

MANILA, Philippines - Sa kabila ng kanyang edad na 89 taong gulang, nakakapaglaro pa sa kanyang i-Pad si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile at nakakahiligan niya ang larong “Bejeweled”.

Nakunan kahapon ng larawan si Enrile na naglalaro ng Bejeweled habang dumadalo sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa “sex-for-flight” scheme.

Kahit busy si Enrile sa paglalaro pinatunayan naman nito na nakikinig pa rin siya sa hearing dahil siya ang nakapagtanong ng tungkol sa isyu ng pagpapabaya ni Labor Attache Adam Musa sa kanyang tungkulin na mistulang kinunsinti ang kanyang driver na nagtangkang mang-rape ng isang domestic helper.

Sa panayam, sinabi ni Enrile na nagsimula siyang mahilig sa Beje­weled noong panahon ng kampanya.

Ayon kay Enrile, nahahasa ang kanyang isipan sa paglalaro ng Bejeweled kung saan umabot na sa 271 ang kanyang level at may score na siya kahapon na 7,426,250.

Ikinuwento rin ni Enrile na bago siya matulog ay naglalaro rin siya ng Bejeweled na natutunan niya sa “sariling pagsisikap” at walang nagturo sa kanya.

Show comments