MANILA, Philippines - Nagtataglay umano ng nakalalasong kemikal na lead ang mga feeding bottles na ibinebenta sa ilang tindahan sa Divisoria.
Ito ang ibinunyag ng grupong EcoWaste Coalition kaalinsabay nang paggunita sa World Breastfeeding Week mula Agosto 1-7, 2013.
Natuklasan ng EcoÂWaste na ilang mumurahing feeding bottles na nagkakahalaga ng P15 hanggang P25 bawat isa ang ginamitan ng lead sa paglalagay ng makukulay na disenyo, at nabibili umano sa ilang pamilihan sa Divisoria.
Tinukoy ng EcoWaste ang mga feeding bottles na may tatak na “Made in China†at “Baby Plastic Bottle & Nipple†na nagtataglay ng lead na mula 536 parts per million (ppm) hanggang 1,023 ppm, at may mga traces ng arsenic at chromium na mataas din ang antas.
Ang lead ay isang potent neurotoxin o toxicant na nakakaapekto sa developing brain at central nervous system.
Ang mga mapanganib na kemikal ay natukoy gamit ang isang handheld X-Ray Fluorescence (XRF) spectrometer na maaaring tumukoy sa dami ng toxic metals sa mga consumer products.