Souvenir items delikado sa lead

MANILA, Philippines - Delikado umano sa nakakalasong kemikal na lead ang mga souvenir products.

Ito ang nadiskubre ng EcoWaste Coalition sa 100 sa 127 souvenir items na binebenta sa Baguio, Cebu, Davao at Manila ay gawa sa mga nakakalasong kemikal tulad ng lead.

Sabi ni Thony Dizon, coordinator ng grupo, ang lead sa mga souvenir pro­ducts ay matatagpuan sa mga pintura.

Ayon sa World Health Organization, isa ang lead sa 10 uri ng kemikal na pa­ngunahing tinututukan ng organisasyon dahil nagdudulot ito ng irreversible brain at pagkasira ng nervous system, nakakabawas ng katalinuhan, learning disabilities at behavioral problems.

Giit niya, ang lead sa mga produkto ay nilalabas bilang toxic dust na ‘pag hinawakan at sinubo ng mga bata ay maaring makasama sa kalusugan.

Mula July 22 hanggang 31, bumili ang EcoWaste ng 127 souvenir products sa mga gift stores na puntahan ng mga turista sa Baguio (25 samples), Cebu (34 samples), Davao (43 samples), at Manila (25 samples) at masusing sinuri.

Tinimbang ang mga ito gamit ang portable X-Ray fluorescent (XRF) spectrometer na kadalasang ginagamit para madetect ang mga metal sa mga produkto at lumabas na ang 100 sa mga ito ay may lead.

Ang mga sinuring produkto ay souvenir ballpens, cellphone trinkets, coin purses, fridge magnets, key chains, pen o pencil holders, shot glasses, toy ukuleles, at wall decors na binebenta ng P7.50 hanggang P180.00 bawat isa. (Ricky Tulipat/Ma. Juneah del Valle, trainee)

Show comments