‘Hakot system’ sa voter’s registration

MANILA, Philippines - Isang makabagong sistema ang nakita ng Commission on Elections kung saan isinagawa ang ‘hakot system’ na naging dahilan ng pagdagsa ng mga botante sa 10-araw ng voter’s registration sa mga tanggapan ng Comelec.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes­, posibleng nasa likod nito ang mga barangay chair­man­ na nais na kumandidato sa barangay elections sa Oktubre 28.

Sa inaasahang bilang ng Comelec­ na 1 mil­yon­ na bagong botante sa barangay­ polls at 2 mil­ yon sa SK sa pila, nakakagulat na may mga mata­tan­dang­ nakapila na pinaniniwalaang rehistrado na.

Ipinagtataka ni Brillantes ang mga sinasabi­ ng tao na hindi sila rehistrado noong midterm elections, samantalang awtomatiko nang naka­tala ka­pag bumoto­ ka noon.

Nais maniwala ng Comelec na tunay­ na tumaas­ ang kagustuhan ng tao na magpatala­ at bumoto­ ngunit may dudang gustong matiyak ang ahensya.

“Hindi maghihirap ‘yan, pipila­, umuulan, nan­dun­­­ pa rin sila kumakain, dala ‘yung mga bata da­ hil­ walang magbabantay. Maliwanag ito, hindi naman tayo siguro ganun kabait (para) magsasa­kri­pis­yo nang walang sinasabing bayad,” hinala ni Brillantes­.

Ani Brillantes, hindi bawal ang maghakot ngu­nit dapat tingnan kung sino ang mga ipapatala­. Po­sible rin kasing magamit ito sa flying voting at double­ registration.

 

Show comments