104 pulis sinibak!

MANILA, Philippines - Umaabot sa 104 pulis ang sinibak sa serbisyo habang 428 pa ang pinatawan ng kaparusahan bilang bahagi ng paglilinis sa hanay ng pambansang pulisya sa loob ng anim na buwan.

“Such penalties include demotion in rank, suspension, forfeiture of salary, reprimand, restriction to quarters, and withholding of privileges”, ani PNP-Public Information Office Chief Sr. Supt Reuben Theodore Sindac.

Base sa rekord ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), ang 104 pulis ay nadismis sa serbisyo mula Enero 1, 2013 hanggang Hunyo 30, 2013 kaugnay ng mga kasong grave misconduct, serious irregularities at iba pang criminal activities.

Sa kabila nito, mas konti ang bilang ng mga pulis na nasangkot sa kasong administratibo at kriminal sa taong 2013.

Sa kasalukuyan, nasa 797 pa ang mga nakabimbing kaso ng mga pulis na naghihintay pa ng hatol kumpara sa naitalang 1, 263 noong 2012.

“Also, during the said six-month period, there were also six (6) PNP Personnel who were dropped from rolls”, giit pa nito. 

Nabatid naman na 2,060 ang naiharap na reklamo laban sa mga akusadong pulis na inim­bestigahan at inaksiyunan ng PNP kung saan pinarusahan ang mga nagkasala at pinawalang sala ang mga inosenteng parak.

Show comments