Bebot nag-suicide

MANILA, Philippines - Nagulat na lamang ang isang call center agent nang makitang nakabiting walang buhay ang kanyang kinakasama sa kisame ng kanilang tulugan sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si  Mary Jane Dignos, 28, residente sa  Purok 1 Area 5, Villa Beatriz, Balara sa lungsod.

Si Dignos ay natagpuan ng kanyang live-in partner na si Patrick Peñano, 39, habang nakabitin sa kisame sa mismong itaas ng kanilang kama gamit ang kurbata.

Nangyari ang insidente sa bahay ni Peñano na mata­tagpuan sa may  Road 2, Old Balara, ganap na alas-4 ng madaling-araw.

Huling nakitang buhay ang biktima, ganap na alas-11 ng gabi. Sumunod nito ay natulog ang dalawa, hanggang nang magising si Peñano ay nagulat na lang siya nang bumulaga ang biktima na nakabitin sa itaas niya.

Ayon pa kay Peñano, wala umano siyang nalalamang problema o dahilan para magpakamatay ang kanyang kinakasama.  Nagsasagawa pa rin ng pagsisiyasat ang awtoridad sa nasabing insidente.

 

Show comments