MANILA, Philippines - Pinayuhan ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at ilang mambabatas si Peoples Champ at Saranggani Rep. Manny Pacquiao na huwag munang tumakbong Presidente ng Pilipinas sa 2016 sakaling magretiro ito sa pagbo-boksing.
Ayon kay Belmonte, mas mabuting huwag munang tumakbo si Pacquiao sa pagiging pangulo at sa halip ay magsanay muna ito sa pagiging senador dahil bata pa naman ang pambansang kamao.
Si Pacman ay 34 na taong gulang pa lamang at ang kwalipikadong tumakbo sa pagka presidente base sa konstitusyon ay 40-anyos.
Paliwanag pa ni Belmonte na base sa KonsÂtitusyon maaari namang tumakbo ang sinuman na natural born Filipino, nasa tamang edad, marunong magbasa at magsulat.
Payo naman ni GaÂbrieÂla partylist Rep.Emmie de Jesus kay Pacquiao, na marami pa itong dapat gawin sa kanyang mga kababayan sa Saranggani kayat mas makakabuti umanong ito muna ang atupagin ng 8-division world boxing champion.
Mas mabuti umanong magkaroon ng “focus†sa kanyang mga responsibilidad si Pacquiao kaysa ituon ang pansin sa 2016 election dahil marami pang pwedeng mangyari.
Giit pa ng mambabatas, hindi porke magaling sa larangan ng boksing ay nangangahulugan nang maaari siyang maÂging presidente ng bansa.