MANILA, Philippines - Ang mga “powerful forces†o mga “padrino†na naglalaro sa loob at labas ng Bureau of Customs ang dahilan kaya mahirap ang laban pagdating sa smuggling sa ahensiya.
Ito ang inamin ni Deputy Customs Commissioner for Intelligence Danny Lim kaya ito nagbitiw sa BoC.
Ayon kay Lim, sang-ayon siya sa pahayag ni Pangulong Aquino sa State of the Nation Address (SONA) na mas dapat na magbitiw sa puwesto ang isang opisÂyal kung hindi nagagampanang mabuti ang kanyang tungkulin.
“I agree with the President’s SONA observation that the Bureau has not performed in accordance with the expectations of the people. “In view of this, I see no other recourse but to leave this office,†ani Lim.
Agad din naman itong dumipensa sa pagsasabi na marami naman siyang mga nagawang accomplishment pero mahirap aniya magpatupad ng reporma dahil hindi kontrolado ang sitwasyon.
Nagpahiwatig din ito ng iba’t ibang grupo na tumatawag na “mahirap†kung hindi pagbibigyan dahil ang iba ay “nagtatampo.â€
Sabi ni Lim, kararating pa lang ng intelligence report na may paparating na kargamento ay mayroon ng tumatawag para umarbor.
Hindi naman pinaÂngalanan ni Lim kung sinu-sinong mga puÂwersa at maimpluwensyang personalidad ang kanyang tinutukoy. Inamin din nito na dahil sa hangarin nilang magpatupad ng pagbabago ay marami silang nasasagasaan.
Matagal na rin aniyang ninanais ng opisyal ang bumitaw sa puwesto para malipat na lamang sa ibang posisyon sa gobyerno bunsod ng hirap na laban sa Customs na may matagal nang umiiral na sistema.
Ilang beses umano niyang ipinaabot ang baÂlaking ito kay Executive Secretary Paquito Ochoa bago pa man ang paghahain niya ng resignation letter kahapon ng alas-7:45 ng umaga.
Tinukoy ng Presidente na batay sa datus ng Department of Finance, mahigit P200 billion ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa smuggling.
Samantala, wala pang ipinalalabas na desisyon ang Pangulo tungkol sa ginawang pagbibitiw sa puwesto ni Lim pero kinumpirma na natanggap na ni Ochoa ang resignation letter ni Lim. (Dagdag ulat ni Malou Escudero)