P2.268 T nat’l budget sa 2014 isinumite na

MANILA, Philippines - Isinumite na kahapon sa Kamara ng Department of Budget and Management ang panukalang P2.268 trillion 2014 National Budget.

Ayon kay Budget Sec. Butch Abad, pinakamalaki pa rin ang inilaan sa Edukasyon na may P336.9 B kung saan P45 B dito ay mapupunta sa maintenance ng educational facilities at pagpapagawa ng mga classrooms habang P8.6 B ay mapupunta sa hiring ng nasa 33,000 mga guro.

Pangalawa ang DPWH na may P213.5 billing budget na sinundan DILG, P1135.4 bilyon at Defense, P123.1 billion.

Nasa P87.1 B naman sa DOH, P80.7B sa DA, P79B sa DSWD at P48.7B sa DOTC.

Show comments