MANILA, Philippines - Ang Palawan, Kabisayaan at Mindanao ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran hanggang timog-silangan ang iiral sa kanlurang bahagi ng Luzon at ang mga baybaying dagat nito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa timog-kanluran hanggang timog-silangan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. Ang araw ay sisikat ganap na alas-5:36 ng umaga at lulubog ng alas-6:28 ng gabi.