MANILA, Philippines - Binabantayan ngayon ng mga Albayano ang pugad na pinangitlugan ng isang higanteng pagong sa Barangay Rawis, malapit sa bukana ng Yawa River sa Lungsod ng Legazpi.
Ito ang kauna-unaÂhang naitalang pangingitlog sa Pilipinas ng higanteng leatherback†(Deomchelys coriacea), pinakamalaÂking pagong sa mundo, ngunit naniniwala ang mga ekspertong marine biologists na ang inang pagong ay lumangoy mula sa kabilang ibayo ng mundo upang mangitlog.
Hindi pa alam kung gaano na katanda ang pagong ngunit may sukat itong 2x1 metro at may madulas at parang gomang “shell†kaiba sa matigas na balot ng karaniwang pagong.
Tuwang-tuwa si Albay Gov. Joey Salceda, isang masugid na maka-kalikasan sa balita tungkol sa higanteng pagong. “Talagang pinagpapala ang Albay na napiling pangitlugan ng pinakamalaki at nanganganib na pagong sa mundo kaya pinababantayan ko ito. Babalik diumano ang inang pagong sa loob ng 8-10 araw para mangitlog uli,†ayon sa gubernador.
“Ligtas siya dito sa Albay dahil sa mabisang ‘environment and biodiversity protection program’ namin,†dagdag ni Salceda.
Ang Albay ay isang “United Nations global model for climate change adaptation and disaster risk reduction.†Ang Navy ang naatasang magbantay sa pugad para maging ligtas sa mga pasaway.
Matapos mangitlog, gumapang pabalik sa dagat ang inang higanteng pagong habang pinagmamasdan siya ng mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga sundalo ng Naval Forces Southern Luzon (Navforsol).
Sa tantiya ng mga opisyal ng DENR Protected Wildlife Areas and Coastal Zone Management Services, ang inang pagong ay may timbang na 250 hanggang 300 kilo. Pinakamalaki itong pagong sa mundo na ngayon ay “endangered species†o nanganganib na.
Ang leatherback turtle ay karaniwang matatagpuan sa Alaska sa North America hanggang sa hilagang dulo ng Africa. Ito ay pang-apat sa pinakamalalaking reptiles, kasunod ng tatlong pinakahiganteng buwaya.
Ayon kay Norma Baylon ng DENR, hindi pa nila nabilang ang itlog at baka maistorbo ang pugad nito, bagamat karaniwan ng 45-110 ang bilang ng ipinangingitlog nito. Umaabot ng 50 hanggang 70 araw bago mapisa ang itlog.