MANILA, Philippines - Walang Filipino na nadamay sa bumagsak na Asiana Airlines sa San Francisco, California, USA kahapon ng umaga.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, sa pinakahuling ulat ng Philippine Embassy sa Estados Unidos ay sinigurong walang nasawi o nasaktan na Pinoy sa nag-crash na Asiana flight 214, Boeing 777-200 sa San Francisco International Airport kung saan may dalawang pasahero ang nasawi habang mahigit 60 pa ang sinasabing sugatan.
Batay sa manifesto ng Flight OZ-214, ito ay may 291 passengers at 16 na crew. Sa bilang ng mga pasahero, 77 umano ay KoreanoÂ, 141 ang Chinese at 61 ang US citizens.
Napag-alaman na galing ng Incheon International Airport sa South Korea ang eroplano at patungo ito ng San Francisco nang habang nagla-landing ay tumama ang buntot nito sa kalupaan at sumadsad sa Runway 28 hanggang sa biglang nagliyab. NapiÂlitang tumalon ang mga pasaherong sugatan upang makaiwas at makaligtas sa nagliliyab na eroplano.
Ang eroplano ay nagmula sa Shanghai, China at nag-stop over sa Seoul, South Korea bago lumipad patungong San Francisco na kanyang panghuling desÂtiÂnasyon.