P374M sa informal settlers inilabas

MANILA, Philippines - Ipinalabas na ng Mala­cañang ang P374.4 mil­yon para sa resettlement program ng mga informal settlers na nakatira sa 8 major waterways sa Metro Manila.

Ayon kay Budget Sec. Florencio Abad, ipapamahagi ang P18,000 sa bawat 19,440 pamilya na nakatakdang paalisin sa mga estero upang magamit nilang pang-upa habang ginagawa pa ang kanilang lillipatan  na housing project.

Sakop nito ang mga nakatira sa San Juan River, Manggahan Floodway at Estero de Tripa de Gallina. Gayundin sa Pasig River, Tullahan River, Maricaban Creek, Estero de Sunog Apog at Estero de Maypajo.

Show comments