Automated polls 99.97% accurate

MANILA, Philippines - Ikinatuwa ng Commission on Elections (Comelec) na 99.97-porsyentong tumpak ang resulta ng nakaraang automated midterm elections ayon sa Random Manual Audit Committee (RMAC).

Sabi ng Comelec, ang kinalabasan ng audit ay mas mataas pa kumpara sa ginawa noong 2010 polls. Indikasyon din umano ito na walang hokus pokus na naganap.


Sa tala ng National Statistics Offfice (NSO), nasa 99.9775% accurate ang resulta ng automated elections system kumpara sa manual audit na isinagawa para sa mga kumandidatong senador, 99.9719% para sa congressional seats at 99.9748% para sa mga alkalde.

Isinagawa ang random manual audit sa 234 presinto o isa sa bawat legislative district. Ngunit 212 lamang dito ang naanalisa ng NSO.


Paliwanag ng komite sa 22 natira, 11 ang sumailalim sa technical evaluation committee, apat ang may election protests, isa ang tampered, tatlong balota ang walang AES results at tatlo rin ang walang balota.


Ayon kay Comelec Chair Sixto Brillantes, nangangahulugan ang random manual audit na matagum­pay ang katatapos na halalan.

 

Show comments