MANILA, Philippines - Ipinasara na kahapon ng Laguna Lake DeveÂlopment Authority (LLDA) at pamahalaang lungsod ng Maynila ang imbakan ng langis sa Sta. Ana, Maynila na sanhi ng tumagas na langis sa Ilog Pasig.
Pasado alas-2 ng hapon nang ihain ni Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager, Secretary Neric Acosta ang “cease and desist order†laban sa Lorraine Marketing na nasa Old Panaderos Street, Sta. Ana, Maynila upang tumigil sa kanilang operasyon.
Sinabi nito na naniniwala siya na lahat ng establisimiyento na mapanganib sa ilog at lawa ay dapat tanggalin upang mapakinabangan ng publiko ang likas na yaman.
“Dapat iyang mga yan eh marelocate. The long term plan or master plan dito ay dapat talagang matanggal iyang mga yan,†ani Acosta na nagsabing irerekomenda niya ito kay Pangulong Aquino kung hihingan siya ng opinyon.
Kailangan umano na ma-contain at malinis agad ang tumagas na langis habang nasa ilog Pasig pa bago makaraÂting sa Laguna de Bay na lalong magdudulot ng problema.
Nauna rito, inihain rin ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang “closure order†laban sa natuÂrang imbakan dahil sa napakaraming paglabag umano sa ordinansa patungkol sa kalikasan.
Sinabi ni Deputy Incident Commander Gilbert Celestino, local Disaster Risk Reduction Council, ito ay matapos mapag-alaman na walang kaukulang permiso ang naturang kumpanya para mag-imbak ng used oil sa compound.
Aminado naman ang pamahalaang lokal ng Maynila na posibleng korapsyon ang isa sa mga dahilan kaya’t nagkapag-operate ang nasabing kumpanya na kanila nang iniimbestigahan ngayon base sa mga papeles nito.