MANILA, Philippines - Lilimitahan na ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na hanggang 15 taon na lamang ang edad ng mga pampasaherong school service vehicles na naghahatid-sundo sa mga mag-aaral sa kani-kanilang mga paaralan.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Gines, layunin ng hakbang na matiyak ang road worthiness ng naturang mga sasakyan para na rin sa kapakanan at kaligtasan ng mga mag-aaral.
Gayunman, ang bagay na ito anya ay matinding pag-aaralan ng ahensiya upang maprotektahan hindi lamang ang mga estudyanteng nakasakay sa school service vehicles kundi gayundin ang mga driver nito.
Una rito, iniulat ng LTFRB na patuloy nilang binubusisi ang pagkakaroon ng fare matrix ng mga school service vehicles para maitama ang singil sa pasahe ng mga estudÂyante na sineserbisyuhan nito.