MANILA, Philippines - Inatasan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Department of Labor and Employment (DOLE) na imbestigahan ang napaulat na ‘sex for fly’ sa mga kababaihang Overseas Filipino Workers (OFW’s).
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin LaÂcierda, kahit wala pa silang natatanggap na pormal na reklamo mula sa mga biktima ay inutusan na ng Malacañang ang DOLE na imbestigahan ang eskandalong ito kung saan ay nasasangkot ang ilang opisyal ng embahada at ilang opisyal mula sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Kuwait.
Ginawa ni Lacierda ang pahayag sa gitna ng panawagan ng ilang biktima na mabigyan sila ng hustisya sa pang-aabuso ng ilang mapagsamantalang opisyal ng embassy sa Kuwait at iba pang bansa.
Sinabi ni Lacierda na inaalam na ng DOLE ang report na isang distressed OFW na humingi ng tulong sa POLO ang inalok ng sex para maging prayoridad sa pagpapauwi sa bansaÂ.