MANILA, Philippines - Inihahanda na ng Malacañang ang speech ng Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 22 kung saan inaasahang iisa-isahin niya ang mga nagawa sa nakaraang taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, tinitipon na ngayon ng tanggapan ng Presidential Management Staff (PMS) ang mga accomplisments ng iba’t ibang departamento ng gobyerno para maiulat sa SONA.
Iuulat din umano ng Pangulo ang mga natupad niyang pangako sa nakaraang SONA at ang mga hindi pa natutupad.
“The process po ngaÂyon ang PMS at si Sec. Rene Almendras are collecting all the accomplishments from the different departments or agencies. Then PMS is responsible for tracking naman po ‘yung mga promises made last SONA --- what we have delivered, what we still need to deliver,†ani Lacierda.
Nakipag-usap na rin umano ang Pangulo sa ilang miyembro ng Gabinete at sa kanyang mga speechwriters.
“Ang pangatlo naman po, ang Pangulo ay nakiÂpagpulong na sa ilang mga Cabinet members at saka nakikipagpulong na rin po sa mga speechwriters niya,†dagdag ni Lacierda.
Inihayag din ni Lacierda na may nagawa ng dalawang outline revisions bagaman at wala pa yong mismong talumpati.
Ayon pa kay LacierÂda magkakaroon pa ng daily briefings sa pagitan ng Pangulo ang kanyang mga speechwriÂters, Cabinet secretaries at PMS para sa darating na SONA.
“Siguro between now and the State of the Nation Address apart from the daily briefings, the daily work that the President will be engaging, there will be opportunities to meet with the speechwriters and also with the Cabinet secretaries, PMS, to discuss on the State of the Nation Address,†ani Lacierda.