Late enrollees tatanggapin pa rin

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na tatanggapin pa rin sa  mga paaralan ang mga late enrollees o mga estudyanteng ngayon pa lamang magpapa-enroll kahit noong Hunyo 3 pa nagsimula ang pasukan. Ayon kay DepEd Assistant Secretary Jesus Mateo, hindi maaaring isnabin ang mga late enrollees at dapat pa ring payagang makapasok sa paaralan. Kung maluwag pa aniya ang mga paaralan kung saan nagpapatala ang mga late enrollees ay ia-accommodate nila ang mga ito.   Kung masikip naman na aniya ang mga paaralan ay ihahanap na lamang ang mga late enrollees ng paaralan kung saan sila maaaring papasukin.

Show comments