MANILA, Philippines - Nanawagan ang embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. na magkaroon ng masusi, patas at agarang imÂbestigasyon sa pagkaÂkabaril at pagkamatay ng isang Pinay na umano’y nagwala sa loob ng isang mall sa Virginia, USA.
Sa report na nakaraÂting sa Department of Foreign Affairs, nasawi ang 38-anyos na Pinay na si Maylene “Mai†de Leon Scott, matapos na mabaril ng mga pulis sa Virginia nang umano’y mag-amok ito sa loob ng Costro store na kanyang pinapasukan sa Sterling, Virginia kamakalawa.
Ayon kay Ambassador Jose Cuisia, mariin nilang tututukan ang kaso ni Scott at masusi silang makikipag-ugnayan sa Virginia authorities sa isinasagawang pagsisiyasat sa naturang insidente.
Ayon sa pulisya, pinabababa umano nila ang dalang patalim at gunting ni Scott subalit umatake pa umano ito sa kanila kaya napilitan nilang barilin ang nasabing Pinay.
Gayunman, sumiÂsigaw ng “foul†ang paÂmilya ni Scott at sinabing posibleng ginamitan umano ang biktima ng matinding puwersa nang barilin ng mga pulis sanhi ng pagkamatay rito.
Si Scott umano ay dumaranas ng matinÂding depresyon matapos makipag-divorce sa mister at nakikipaglaban sa kustodya ng kanyang dalawang anak na babae.
Idiniin ng pamilya nito na brutal ang pagkasawi ni Mai dahil tanging bread knife lang umano ang hawak nito na maaari namang awatin ng mga rumespondeng pulis-Virginia.
Bunsod nito, humihingi ng katarungan ang pamilya ng nasabing Pinay dahil sa ginawang pagbaril at pagpatay sa biktima.