Navotas nagsimula na sa paglilinis ng estero, kanal

MANILA, Philippines - Dahil tag-ulan na at inaasahang makakaranas ng high tide ang mga residente, todo ngayon ang paghahanda ng Navotas City Flood Control Section para sa paglilinis ng mga estero at pag-aa­yos ng mga bombastic pumping stations ng lungsod.

Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco handa na ang mga  reserbang mga piyesa ng makina, gasolina ng mga pumping station sa buong lungsod ng Navotas na umabot na sa 37.

Iniutos din ni Tiangco sa City Engineering Office na makipag-ugna­yan sa Meralco upang masiguro ang kanilang pagtugon sa mga sulat ng lokal na pamahalaan ukol sa mga buhol-buhol at mababang kawad ng kuryente para sa kaligtasan ng mamamayan sa panahon ng malalakas na hangin at bagyo.

Walang tigil ang mari­ing pakiusap ng alkalde  sa mga residente na huwag magtapon ng basura upang hindi bumara ang mga kalat sa mga pumping station.

 

Show comments