MANILA, Philippines - Niyanig ng lindol na may lakas na 5.2 magnitude ang kanlurang bahagi ng Laoag City ganap na alas-10:24 ng umaga kahapon.
Ayon kay John Leri Deximo, science researcher ng Phivolcs, natukoy ang lindol sa may kanluran ng Laoag City at may lalim na siyam na kilometro.
Bunsod nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 4 sa Narvacan Ilocos Sur, Intensity 2 sa Laoag, Sinait at Sto. Domingo sa Ilocos; at Sur maging sa mga bayan ng Callao at Penablanca sa Cagayan.
Ayon kay Deximo, tectonic ang origin ng lindol at asahan ang mga aftershocks. Wala namang naiulat na nasaktan o napinsala sa insidente.