MANILA, Philippines - Nakakuha ang Senior Citizen party-list ng pabor sa Korte Suprema upang mapigilan ang pagpapatuloy ng proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nalalabi pang partylist group na nanalo sa katatapos lang na 2013 midterm elections.
Nagpalabas kahapon ng Temporary Restraining Order (TRO) ang SC en banc na nag-aatas sa poll body na huwag na munang magproklama ng nagwaging partylist groups.
Nabatid na Bukod sa Coalition Of Associations of Senior Citizens In The Philippines, ilan pang disqualified partylists ang kasama sa consolidated na kaso ang binigyan ng TRO.
“(A) Temporary Restraining Order is issued effective immediately and continuing until further orders from this court, ordering you, respondent Comelec, your agents, representatives or persons acting in your place or stead to Cease and Desist from further proclaiming winners from among the partylist candidates,†nakasaad ng ruling ng SC.
Nabatid sa Comelec na may limang puwesto para sa party list group na hindi naipoproklama, pero dahil sa utos na ito ng korte hindi muna matutuloy ang proklamasyon.
Inatasan din ng SC ang Comelec na maghain ng komento kaugnay sa inihaing mga petisyon ng mga disqualified party list group sa loob ng sampung araw.
Si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang nag-isyu ng TRO alinsunod na rin sa rekomendasyon ng mahistradong naatasang humawak sa kaso.
Kamakailan lamang, nagpalabas ang Comelec ng pinal na desisyon na nagdidiskwalipika sa Coalition Of Associations of Senior Citizens in The Philippines, Agapay ng Philippine Coconut Producers Federation; Abang Lingkod; Binhi-Partido ng mga Magsasaka para sa mga Magsasaka and Alliance for Nationalism and Democracy; Agapay ng Indigenous Peoples Rights Alliance Inc; Ang Galing Pinoy; Atong Paglaum Inc.; Kaagapay ng Nagkakaisang Agilang Pilipinong Magsasaka; Social Movement for Active Reform and Transparency; at The True Marcos Loyalist Association of the Philippines Inc.