MANILA, Philippines - Idineklara ni Pangulong Benigno Aquino lll ang kaarawan ng kanyang ama na si dating Sen. Ninoy Aquino Jr. bilang regular working holiday at tinaguriang Araw ng Pagbasa kada-taon.
Nilagdaan ni Pangulong Aquino ang Republic Act 10556 kung saan ay inaatasan nito ang Department of Education (DepEd) na pangunahan ang ‘story-telling and reading sessions’ sa lahat ng paaralan sa elementary at high school sa buong bansa tuwing November 27 ng taon na kaarawan ng yumaong Sen. Ninoy Aquino.
Hinikayat din ng nasabing batas ang lahat ng paaralan na gamitin ang lenggwahe ng rehiyon bilang dagdag sa Filipino at English sa mga aktibidad tuwing “Araw ng Pagbasaâ€.
Hindi lamang ang pagbubuwis ng buhay para maibalik ang demokrasya sa bansa ang dapat maaalala si Ninoy maging ang hilig niya sa pagbabasa na humubog sa kanyang papel sa paglaban sa diktadurang Marcos.