Habambuhay sa carnappers

MANILA, Philippines - Upang mapigilan kundi man mabawasan ang carnapping sa bansa, isinulong ng mga mambabatas sa Kamara ang pagpataw ng habang buhay na parusa o reclusion perpetua sa mga carnappers.

Aamyendahan sana ng HB 6909 na naaprubahan sa ikalawang pagbasa subalit inaasahang hindi maisasabatas dahil sa kakulangan ng panahon, ang Republic Act 6539 o Anti-Carnapping Act of 1972. 

Sa kasalukuyan, ang parusa para sa R.A. 6539 ay pagkabilanggo ng 14-30 taon.

Ang parusa na habangbuhay ay ipinapataw kapag ang may-ari, driver o sakay ng ninakaw sa sasakyan ay pinatay o ginahasa habang ginagawa ang krimen.

 

Show comments