Nagbebenta ng ‘botcha’ kulong ng 10 taon

MANILA, Philippines - Makukulong ng 10 taon ang mga mapapatunayang nagbebenta ng mga ‘botcha’ o double dead na karne at multang P1-milyon sa ilalim ng bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino lll, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Kabilang din sa inam­yendahang batas ang illegal na pagbiyahe, pagluluwas at unregistered na mga karne na ipinasok sa bansa upang masiguro na ang mga karne na ibinebenta ay ligtas kainin ng publiko.

Show comments