MANILA, Philippines - Sa kabila ng mga napabalitang depekto ng mga PCOS machine noong nakaraang elek¬syon, sinabi kahapon ni Bangon Pilipinas senatorial bet Eddie Villanueva na hindi na niya kukuwestyonin pa ang kanyang pagkatalo. Idinagdag niya na wala na rin siyang balak kumandidato pa para sa ano mang public office.
Gayunman, sinabi ni Bro. Eddie na ang mga nakitang depekto sa ope¬rasyon ng mga PCOS machines at iba pang problema sa transmission ng resulta ay dapat siyasatin ng isang “election truth commission.†Ito’y para hindi pagdudahan ng taumbayan ang resulta ng nakaraang eleksyon.
Ayon kay Bro. Eddie, makabubuting bumuo ng ganitong probe body ang pamahalaang Aquino para malinawan ng taumbayan sa mga iniulat na iregularidad sa nakaraang automated elections. Ang ganitong komisyon aniya ay isang tanda o “hallmark†ng malakas na demokrasya.
“We call on the go¬vernment to create an independent investigative body to look into the automated election system that was plagued by numerous technical glitches and might have disenfranchised millions of voters,†Ani Villanueva.
Ayon pa kay Villanueva, sa papalapit na 2016 presidential polls, dapat siguruhin ng Commission on Elections na hindi na mauulit ang mga insi¬dente ng pagkasira ng operasyon ng mga makinang gamit sa halalan.
Binigyang diin ni Villanueva na suportado rin niya ang panawagan ng Automated Elections System (AES) Watch for the government and the Comelec na gumamit ng mga Pilipinong IT experts sa darating na halalan sa 2016.