MANILA, Philippines - Nagpahayag ng kalungkutan si Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People executive secretary Father Edwin Corros sa nagiging collateral damage ang kapalaran ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa ibang bansa.
Ayon kay Fr.Corros, kung may sapat na trabaho lamang sa Pilipinas ay hindi magiging delikado ang kalagayan at maiipit sa tunggalian ng Pilipinas, Taiwan at iba pang bansa ang mga OFWs.
“Sana pagbutihan pa ang paggawa ng trabaho dito sa Pilipinas para ang ating mga kababayan ay hindi na kailangang lumabas. Patunayan ng pamahalaan na ang trabaho talaga ang pinakaimportanteng bagay para hindi na mapilitan umalis ang mga kababayan natin. At sa ganitong nagaganap ngayon sa Taiwan ay nakikita natin na ang mga nagiging collateral damage palagi ay mga OFW â€.paliwanag ni Father Corros.
Nangangamba si Fr.Corros na lalong malalagay sa alanganin ang seguridad ng mga OFWs sa Taiwan bunsod ng mga ulat na harassment sa mga Pilipino sa nasabing bansa.
Pinayuhan naman ni Fr.Corros ang mga OFWs sa Taiwan na lubos na mag-ingat.
Base sa talaan, umaabot sa 85,185 ang mga Filipino na nagta-trabaho sa Taiwan sa kasalukuyan.