MANILA, Philippines - Matapos lumabas ang 9-3 sa nakaraang senatorial elections pabor sa Team PNoy, tiyak na ang pagbabago sa leadership ng Senado at pagbaba sa puwesto ni Senate President Juan Ponce Enrile.
Ito ang sinabi kahapon ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada kaugnay sa posibleng pagbabago ng leadership ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa pagpasok ng 16th Congress sa Hulyo.
Posibleng mag-request umano si Estrada ng meeting sa tinawag niyang “macho bloc†ng Senado kung saan posibleng makasama sina senators-elect Nancy Binay, JV Ejercito-Estrada at Senator Ramon Bong Revilla.
Nauna rito sinabi ni Senator Miriam Defensor-Santiago na posibleng magkakalaban sa Senate Presidency sina Senators Alan Peter Cayetano at Franklin Drilon.
Pero ayon kay SeÂnate Majority Leader Vicente Sotto may isa pang senador na naghahangad na maging kalapit ni Senate President Juan Ponce Enrile.
Tumangging pangalan ni Sotto ang sinasabi niyang kasamahan na nais ring maging senate president.
Ilang beses na ring sinabi ni Enrile na hindi naman siya kapit-tuko sa puwesto at nakaÂhanda siyang bumaba bilang lider ng Senado anumang oras.