Unity Summit nais ni Erice

MANILA, Philippines - Nais ni Caloocan City Congressman-elect Edgar “Egay” Erice (District 2) na magkaroon ng Unity Summit ang mga bagong halal na opisyal upang sama-sama nilang maisulong ang mga reporma at programa para masiguro ang kaayusan at kaunlaran sa lungsod.

“Naging maayos at ma­tagumpay ang naganap na eleksyon at naihalal ng taga-lungsod ang nais nilang maglingkod sa kanila at sa bayan. Siguro tama lang sa ating mga bagong halal na opis­ yal na magsama-sama ka­hit iba ang kinasani­bang partido o samahan, tutal lahat tayo ay iisa ang adhikain - ang ma­ging maunlad at maayos ang Caloocan,” ani Erice.

Ayon sa bagong Ki­na­­tawan sa Mababang Ka­­pulungan, mas magi­ging matagumpay ang pag­ titipon kung ito ay lalahukan ng mga miyembro ng mga non-government organi­zation, negosyante, estud­yante, civic groups, religious groups at maging ang mga simpleng mamamayan upang kanilang ma­saksihan ang pagsasama-sama nilang mga bagong lider ng lungsod.

Sinabi ni Erice, siya na mismo ang magboboluntaryo na manguna sa pag-o­organisa ng nasa­bing ‘Unity Summit’ na aniya’y dapat nang ma­isagawa sa lalong mada­ling panahon upang agad maisaayos at maisakatuparan ang mga proyekto at programa lalo na iyong mga direktang pa­kikinabangan ng mga mamamayan.

“Tunay na mahalaga ang isasagawang summit dahil matitiyak nito ang pagkakaisa naming mga bagong halal na opisyal kahit kami ay may kanya-kanyang inanibang partido at samahan”, sabi Erice.

 

Show comments