13-anyos patay sa kidlat

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 13-anyos na binatilyo matapos itong tamaan ng kidlat malapit sa kanilang bahay sa Barangay Buayan sa General Santos City, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Aldrin Herolaga ng Purok 2 sa nasabing barangay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na naliligo sa ilog ang biktima kasama ang ilang kaibigan ng bigla na lamang umulan kaya sumilong muna ito sa ilalim ng punungkahoy kung saan tinamaan ng kumidlat.

Show comments