MANILA, Philippines - May kabuuang umanong 12 Pinay ang namamatay araw-araw dahil sa sakit na cervical cancer.
Ayon kay Dr. Eduardo C. Janairo Jr., director ng Department of Health- National Capital Region, ito ay base sa pinalabas na datos ng Philippine Cancer Facts and Estimates noong 2010, ang cervical cancer o ang cancer of the cervix ay ikalawang common cancer sa kababaihan.
Lumilitaw na mayroong 6,000 new cases ng cervical cancer taun-taon at 12 Pinay ang umano ay namamatay araw-araw dahil dito.
Napag-alaman din na sa buong mundo ay 500,000 kababaihan ang na-diagnosed na may cervical cancer at sa naturang bilang 250,000 ay inulat na namatay worldwide.
Wala umanong nakikitang sintomas sa unang stage ng cervical cancer ngunit sa katagalan ay nakikitang senyales nito ay ang pagkakaroon ng abnormal vaginal bleeding, na kadalasan ay nagaganap matapos ang pakikipagtalik at abnormal vaginal discharge.
Payo ni Dr. Janairo sa mga kababaihan na mag-avail ng libreng cervical screening sa mga government hospital sa bansa.