MANILA, Philippines - Dahil sa matinding galit ng Taiwan sa Pilipinas, kaya ipinatuapd na ang “freeze hire policy†para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nasabing bansa kasunod ng hindi pagtanggap sa paumanhin o sorry ng pamahalaan hinggil sa pamamaril at pagpatay sa isang Taiwanese fisherman na kasamang nangisda sa teritoryo ng bansa noong Mayo 9.
Isa ang deployment ban sa mga ipinatupad na sanction o parusa ng Taiwan laban sa Pilipinas matapos ang pagbabalewala sa ultimatum na ibiÂnigay ng nasabing bansa sa Pilipinas upang humiÂngi ng dispensa hinggil sa pagkamatay ng isang mangingisdang Taiwanese na napatay ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard.
Kaugnay nito, umapela si Vice President Jejomar Binay na tumatayo ring Presidential Adviser on OFWs Concern sa Taiwanese government na ma-lift o alisin ang “freeze-hire†order laban sa mga OFWs kung saan iginiit na huwag idamay ang mga manggagawang Pinoy sa nagaganap na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.
Sa tala ng Department of Foreign Affairs, may mahigit 80,000 OFWs na karamihan ay factory workers at caregivers ang nasa Taiwan.
Inatasan na rin ni Binay ang Department of Labor and Employment (DOLE) na gumagawa na ng hakbang upang maibsan ang impact ng freeze hire policy ng Taiwan.
May ulat na umano na natatanggap ang office of the Vice President na hina-harass at dumaranas na ng discrimination at iba pang panggigipit ang mga OFWs sa Taiwan.
Hiniling ng Taiwanese government ang pormal na sorry ng Pilipinas na nagtapos noong Martes ng gabi subalit ipinadala lamang si PH de facto Ambassador to Taipei Antonio Basilio upang makipag-usap sa mga opisÂyales ng Taiwan. Binisita rin ni Ambassador Basilio ang pamilya ng nasaÂwing mangingisda at saka humingi ng paumanhin sa nasabing bansa.
Para sa Taiwan, hindi sapat ang hakbang ng pamahalaan dahil ang hinihiling nila ay pormal na paghingi ng sorry at agarang aksyon sa kanilang demand na patawan ng parusa ang responsable sa pagkasawi ng TaiwaÂnese fisherman at kanilang ipare-recall ang Taiwanese envoy sa Manila habang patalsikin ang PH ambassador sa Taipei.
Bunsod nito, nagbanta rin ang Taiwan na magsasagawa ng military drill sa mismong lugar kung saan nabaril ang nasabing mangingisda.