Mayoralty bet pinadi-disqualify

MANILA, Philippines - Nag-file ng disqualification case sa Comelec si Mayoralty candidate at Batangas City Vice Mayor Joe Tolentino laban kay dating Batangas City Mayor at Ma­yoral candidate Eduardo Dimacuha. Sa disqualification compaint na inihain ni Tolentino sa Comelec main office sa Intramurous Manila, nilabag umano ni Dimacuha ang Article 261 ng Omnibus Election Code matapos umanong gamitin ang pondo ng gobyerno sa kampanya. Ayon kay Tolentino, namigay umano ang EBD health card, scholarship at pantawid pamilya Pilipino program si Dimacula sa mga residente ng Batangas City gamit daw ang pondo ng gobyerno. Ang misis ni Eduardo na si Vilma Dimacula ang kasalukuyang alkalde ngayon ng nasabing lungsod. Una na ring sumulat sa Comelec-Batangas City si Tolentino para ipaalam ang pangyayari at inamin naman umano ni Mayor Vilma na mayroon siyang ipinamimigay na EBD healthcard pero ito anya ay matagal ng programa ng kanyang asawa at ng kanyang administrasyon.

 

Show comments