MANILA, Philippines - Ang pagpapataas sa kita ng lokal na pamahalaan at ang pagiging modelo ng Muntinlupa City ang naging pangunahing batayan ni Vice President Jejomar Binay sa pag-endorso kay Mayor Aldrin San Pedro sa huling termino nito sa pagkaalkalde ng lungsod. Sa isang pahayag, sinabi ni Binay na “Ang mga nagawa ni Mayor Aldrin San Pedro bilang punong lungsod ay kahanga-hanga. Isa siya sa pinakamagaling na mayor at lider sa buong bansa dahil na rin sa paghubog niya sa Muntinlupa mula sa isang payak na lungsod tungo sa pagiging maunlad at makabago. “Nakasama ko siya at nakita ko kung gaano kasipag si Mayor San Pedro. Kailangan niyang ipagpatuloy ang mga magagandang nagawa niya,†dagdag ni Binay. Ilan lamang sa mga tinukoy ni Binay sa mga matatagumpay na proyekto ni San Pedro ay ang pagiging masinop ng alkalde, kung saan mula 2008, tumaas ng kulang-kulang P10 bilÂyon ang karagdagang pumasok sa kaban ng bayan ng lungsod na halos doble kung ikukumpara sa maÂyor mula 2002 hanggang 2006. Kabilang din dito ang pag-obliga ng Muntinlupa LGU sa mga estaÂblisimyento na magkabit ng CCTV cameras para maiwasan ang krimen at ang karagdagang mga sasakyan na ginagamit ng mga pulis at barangay sa pagpapatrulya.