Hagedorn, humataw sa Mindanao

MANILA, Philippines - Patuloy na humahataw at lumalakas ang kandidatura sa pagka-senador ni independent candidate at Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn partikular sa Mindanao matapos ihayag ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice Chairman Ghadzali Jaafar at religious group na Kingdom of Jesus Christ founding leader, Pastor Apollo Quiboloy ang kanilang suporta sa kanyang Senate bid.

Ani Hagedorn, na kilala sa kanyang pagtatanggol sa kalikasan at mahusay na liderato, ang deklarasyon ng suporta ng dalawang lider ay lalong nagbigay inspirasyon sa kanya upang pag-ibayuhin pa ang kanyang kampanya, isang linggo bago ang halalan.

“Natutuwa po ako na maraming naniniwala sa aking kakayahan batay sa aking mga nagawa sa pagpapaunlad ng Puerto Princesa at sa mga gagawin pa kapag nahalal sa Senado kaya sinusuportahan nila ang ating kandidatura,” ayon sa alkalde.

Show comments