MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga piratang Somali ang apat na tripulanteng Pinoy matapos ang mahigit dalawang taong pagkakabihag sa Arabian Sea.
Ayon DFA, nasa maÂayos nang kalagayan ang apat na Pinoy na kabilang sa anim na crew ng Leopard na hinayjack ng mga pirata noong Enero 12, 2011 habang naglalayag sa Arabian Sea na nasa pagitan ng Yemen at Somalia.
Unang kinumpirma ng Danish Ministry of FoÂreign Affairs na lumabas sa online news ang pagpapalaya sa mga bihag kabilang ang dalawang Danish nationals.
Hindi naman kinumpirma ng DFA ang report na nagbigay ng ransom ang shipping company na Shipcraft, ang may-ari ng MV Leopard kapalit ng kalayaan ng apat na Pinoy at dalawang Danes.
Una umanong nanghingi ng $5 milyong ransom ang mga armadong pirata kung saan nagpaÂlabas pa noon ng mga video clips sa YouTube na nagpapakita sa isang Danish crew hostage na humihingi at nananawagan ng tulong sa Danish government upang sila ay mapalaya.
Inaasahan na makaÂkabalik sa kani-kanilang pamilya ang mga pinalaÂyang hostages matapos na impormahan ang mga ito hinggil sa nasabing maÂgandang balita.