Gold Awards iginawad sa UNO

MANILA, Philippines - Ginawaran ang mga produktong 1st Health Corn Coffee 8-in-1 Mix at Cappuccino ng UNO (Unlimited Network of Opportunities International Corporation) bilang  isa sa mga Gold Brand awardees.  Ang awarding ceremonies ay ginanap noong  Pebrero 9, 2013 sa Cuneta Astrodome kasabay ng UNO 2013 Sales Rally.

Dumaan sa masusing panuntunan ang 1st Health Products at ang ilan sa mga kritikal na basehan ay ang brand image appeal, tiwala at kabuuang pagtanggap ng mamimili sa isang produkto.

Ipinagmamalaki ng UNO at mga kasapi ng kumpanya ang isa na namang inspirasyon sa maraming nakamit na achievements, di-lamang ng produkto kundi naging kasama na rin ang mga kawani at tagapagtangkilik ng nasabing kumpanya.

Ang mga pagkilalang tulad nito ay nagsisilbing inspirasyon sa lahat upang itaas pa ang kalidad ng mga produkto partikular na sa UNO.  Labis naman ang pasasalamat ng management sa Gold Brand Council of the Philippines sa naturang prestihiyosong pagkilala.

Show comments