MANILA, Philippines - Higit pang pinaigting ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom†Echiverri ang kampanya ng lokal na pamahalaan upang mapangalagaan ang mga kabataan laban sa pang-aabuso at pagsasaÂmantala.
Ayon sa alkalde, nararapat lamang na mapaÂngalagaan ang kaÂrapatan ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng proteksiyon sa mga ito laban sa anumang klase ng pang-aabuso at matitiyak na magiging kapaki-pakinabang ang mga ito sa kanilang paglaki.
Ipinaalala rin ng alkalÂde na tungkulin din ng paaralan at ng pamaÂyanan na pangalagaan ang karapatan ng mga kabataan dahil sa mga ito umiinog ang mundo ng isang bata na hindi pa kayang tumayo sa kanyang sariling mga paa.
Ikinabahala rin ni Echiverri ang mga nagÂlalabasang balita hinggil sa mga kabataang naabuso kaya agad niyang inatasan ang Caloocan Police na magtalaga ng magagaling na imbestigador na hahawak sa kaso ng mga batang masasangkot sa anumang uri ng krimen dahil na rin sa pagiging maselan ng kaisipan ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon.