Kabuhayan ng mangingisda iaangat ni Bro. Eddie

MANILA, Philippines - Isa sa programa na itutulak ni Bro.Eddie Villanueva sa Senado ay ang pag-angat ng kabuhayan ng mga nasa marginalized sector o yung mga pinakamahirap tulad ng mga mangingisda.

Sa pagbisita kamakalawa ni Bro.Eddie sa Market 3 ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) Compound sa Navotas City  ay kanyang personal na kinausap ang mga ma­ngingisda at vendors.

Dito ay inalam ni Bro.Eddie ang mga panga­rap, inaasam na pag-asa at nais nila na mangyari sa pamahalaan at sa mga lider upang sa ganun ay malaman ang kanilang mga pangangailangan at mapabuti ang gagawing paglilingkod para sa kanila.

Ipinaliwanag din ni Bro. Eddie ang kanyang plataporma para sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga “nasa sagigilid” hindi lang yung mga maya­yaman ang patuloy na umuunlad ang kabuhayan.

Ipinaliwanag ni Bro. Eddie, na isa din ekono­mista na dapat ang eko­nomiya ng bansa  ay masigla at hindi ito pili kundi kasama sa pag-unlad ng kabuhayan ang lahat tulad ng mga ma­ngi­ngisda sa Navotas na kan­yang gagawin kapag nasa Senado na siya.

 

Show comments