BPI binira sa bawang

MANILA, Philippines - Kinondena ng isang koalisyon ng mga importer at konsyumer ng bawang ang Bureau of Plant Industry dahil sa umano’y maanomalyang pagpapalawig nito sa importation permit ng iisang importer ng bawang na dahilan para tumaas masyado ang presyo nito sa lokal na pamilihan. Sa isang pulong-balitaan sa Pasay City, kinalampag ni Kilusan ng Mamimiling Pilipino Chairman ret. Naviy Commodore Ismael Aparri si BPI Director Clarito Barron kaugnay sa pagpapalawig sa paso o expired nang permit ng isang “Lea” na kumakatawan sa tatlong kumpanya.

Ayon sa koalisyon, nang ipatupad ni Barron ang on     processing sa mga import permit (kapalit ng manual processing), walang ipinalabas ang BPI na import permit para sa mga aplikante rito. Pero ipinalabas naman ng BPO ang ekstensyon para sa permit ng AGR Trading, Shelmarie Enterprises, at Bee Jee Trading na iisa lamang umano ang may-ari.

Iginiit naman ni Socorro Guadlo ng grupong Born Free Coalition na, dahil sa hawak lamang ng isang tao ang importasyon ng bawang, nagkukulang ang suplay nito sa merkado sanhi ng pagtaas ng presyo sa P120-P140 kada kilo ng bawang na dapat ay nasa P60 lamang kada kilo.

Show comments