May 13 polls, special holiday

MANILA, Philippines - Idineklara ni Pangulong Aquino na special non-working holiday sa buong bansa ang darating na May 13 upang magampanan ng taumbayan ang kanilang karapatan na bumoto para sa mid-term elections.

Ito ang ikalawang pagkakataon ni Pangulong Aquino na bumoto bilang chief executive ng bansa kung saan ay una siyang bumoto noong nakaraang barangay elections.

Boboto si Pangulong Aquino sa Concepcion, Tarlac sa darating na May 13 elections.

Show comments